It feels so surreal.
I went to the office on a Sunday afternoon to write my boss a letter.
It was to formally inform him that I am resigning.
Even now, typing the word, “resign” feels awfully weird.
Beginnings are always scary. Endings are always sad.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. O kung ano ba ang dapat maramdaman ko.
Ano ba dapat ang nararamdaman ng taong namamaalam para mag-move on?
Naks, parang bagong break lang ah!
Sa aking madamdaming liham, humirit ako sa boss ko ng mga mala-“It’s not you, it’s me” na linya (minus the bullshit, syempre).
Dear Bosing Pon-Japs,
Greetings!
This is to personally inform you that I have already tendered my resignation to HR last week. This shall take effect on July 31, 2008.
I learned a lot during my stay in the company. It was a pleasure helping pioneer the broadcasting arm of IPS and PIMS. Putting up the Creatives department was like watching a little baby grow. I witnessed how we developed from a department that could only produce print materials to one that is capable of coming up with its own TV commercials and actually generating revenue from them. As I leave, I take pride and joy in the fact that I was able to contribute my talent and hard work to the growth of PIMS and, to a broader extent, IPS as well.
The Creatives team is made up of very talented and spirited people. They are all truly artistic, hard-working, passionate, and dedicated to their job. I leave the company confident that the Creative Services department I painstakingly helped put up is in good hands.
Lastly, please know that my reason for leaving is not in any way due to dissatisfaction with my salary or management style. It is simply because there are other career opportunities I would like to explore. Just like the Creatives team, I have also grown immensely because of PIMS, and I now feel ready to move on and do bigger things. Rest assured that should you need my help on anything—conceptualizing and executing marketing/ creative strategies, putting up commercial shoots, organizing a production crew, extending your network—you could always count on me to assist you.
Sir, I only hold the deepest regard for you and the rest of upper management. Thank you very much for your guidance and the trust that you have given me. I wish you all the best, and may you and the company continue to be blessed.
Milestones
2005.
Napaka-heartbreaking ng panimula ng taong ito.
Ito ang taon na natapos ang project ko sa NGO kung saan talagang minahal ko ang trabaho ko.
Ito ang taon na parang nililipad lang ng ipo-ipo lahat ng talent fee na natatanggap ko.
Ito ang taong nilunok ko lahat ng mga pinagsasabi ko nung isa pa akong mayabang na bagong graduate sa UP at tinanggap ang posibilidad na nasa call center nga yata ang aking tunay na calling.
Pero hindi ako mabilis sumuko. Iiyak ako, pero hindi ako magpapatalo. At may paniniwala akong wala akong ginusto sa buhay kong hindi ko nakukuha.
Sabi ng bida sa pelikulang Dream for an Insomniac, “I don’t give up. I change my mind.” Hindi sumuko si Checheboobear noong August 2005. Inisip ko lang na hindi iisa ang ruta patungo sa katuparan ng pangarap. Kung hindi uubra ang shortcut, merong ibang daan na maaaring mas matagal, pero sa parehong destinasyon ka rin dadalhin.
Isa’t kalahating buwan ang training sa Convergys. Isang buwan para i-Americanize kayo (teaching you the ‘twang, English grammar, all about American culture, America’s geography, memorizing America’s states and their capitals, yadayadayada). Ang half-month naman ay devoted sa training about the account to which you’ll be assigned. Enjoy ako sa training, pero tuloy pa rin ang pag-raket ko sa kung saan-saan para sa kung ano-ano.
Come October, sinabi sa akin ni Ronnie na may bagong project ang DV Sharks. May nakilala daw syang naghahanap ng grupo na magpo-produce ng kanilang mga TV commercials. Bilang PM, ako ang nakipag-meeting sa marketing officers ng kumpanya para alamin kung ano ang magagawa ng grupo namin para sa kanila. Marami na daw silang footage para sa commercials ng iba’t-ibang produktong binebenta nila sa mga Pilipino sa Japan
pero hindi sila marunong magsulat ng script at mag-edit ng video. Samakatuwid, perfect ang team namin para ibigay ang kailangan nila.
Ang kumpanyang ito ay ang Pilipinas International Marketing Services, Inc. Ito na nga ang PIMS. Distributor ng GMA Pinoy TV sa Japan. Ilang buwan pa lang tumatakbo. Fresh na fresh. Parang sanggol na walang muwang sa mundo.
Dating gawi kami ni Ronnie. Ako ang sumulat ng script at nagpi-PM. Siya ang editor. Sa ilang balik ko sa opisina ng PIMS, naging ka-chika ko ang Assistant Marketing Manager na si Rina. Binibiro ko lang sya na baka may opening sa Marketing. Biglang naging seryoso ang lola mo at sinabing, “Oo, kailangan namin ng Marketing Officer!”
To make the long story short, walang kaabog-abog kong binitawan ang trabaho ko sa call center at tumalon sa PIMS. Wala akong alam sa Marketing. Wala akong alam sa Sales. Pero alam kong hindi nagpapatawa ang Diyos nung ipinakilala sa akin ang mga taong ito o nung maisara namin ni Ronnie ang project na ito. Hindi na ako pinag-exam ng HR nila. Ni hindi na ako in-interview. Namulat na lang ako isang araw na sa Ortigas na ang opisina ko. At dahil sanay sa pagfi-freelance, ilang linggo bago ako nasanay na mag-punch in ng time card tuwing papasok at lalabas ako ng PIMS. Pero buokd sa hassle ng bandy clock, malinaw na malinaw sa isip ko na nahanap ko na ang trabahong gusto ko. Kung baga sa lovelive, nahanap ko na si Mr. Right. Hindi lang “It Might Be You” kundi, “IT IS YOU!”
Dalawang layout artists, isa pang Marketing Officer at dalawang marketing managers ang kasama ko sa team noon. Wala pang broadcast department. Nung pumasok ako, AKO ANG BROADCAST DEPARTMENT. Oo, ako mag-isa! Sasabihin sa akin ng mga boss ko kung ano ang produkto o kliyenteng nangangailangan ng commercial. Gagawa ako ng konsepto at susulat ng script. Ako din ang editor (syempre ang chachaka ng mga nagagawa ko! Hehehe). Pag natapos ang commercial, ipapadala ko ang DVD sa Glisaz para i-transfer sa mini-DV tape. Ime-mail ko ito sa Clark para sila nag magbato ng signal sa Japan. Tapos gagawa ako ng Broadcast Order at isasaayos ang Media Plan.
Writer, Video Editor, Media Planner. Ako lahat yun. Hindi ko ito expertise pero hindi ako nagreklamo kahit kailan. Enjoy ako sa ginagawa ko, at proud pa rin ako sa output ko.
In less than two months, gusto na akong ipadala ng Presidente namin sa Japan para mag-shoot. Pero nung una, na-deny ang aking VISA kaya March 2006 pa ako unang nakaalis.
2006
Ito ang aking unang out-of-the-country trip. Noon ko lang naranasan ang mag-lakad sa gitna ng winter na may hila-hilang video camera (with all its accessories!), digital camera, may bitbit pang tripod, habang pilit na iniintindi ang pagsalin-salin sa subway ng Tokyo.
Isa sa golden lessons na natutunan ko sa pagiging isang multi-tasking employee sa PIMS: Wag kang puro angal. At lalong wag kang holdout. Yung tipong kung ano lang ang palagay mong nakukuha mo, yun lang din ang ibibigay mo. Kasi sa bandang huli, ikaw lang din ang lugi. Akala ng iba, nauutakan nila ang kumpanya dahil sa pagpe-petiks o hindi paggawa ng higit sa kung ano ang inaasahan sa kanila. Pero sino ba ang hindi umuunlad? Sino ba ang hindi umaangat ang kaalaman?
Hindi naging madali ang buhay ko sa PIMS, pero saan ka ba makakahanap ng ganito kasayang experience? Hindi maraming tao ang makakapagsabing nakapag-produce sila ng documentary by their lonesome, at isa ako sa mga taong yun.
Pagbalik ko mula sa Tokyo, nakabili na sila ng bagong editing machine at may na-hire na silang video editor. Si Wendell Clemente. Isa syang God’s gift sa aking buhay! Ako pa rin ang sumulat ng script ng documentary na shinoot ko, pero sya na ang nag-edit. Dahan-dahan na ring dumami ang TV commercials ng kumpanya dahil may video editor na para mag-execute ng aking ideas!
Dahil may editor na, natuto akong gumawa ng storyboard para maintindihan ni Wendell kung ano ang gusto kong mangyari. Dino-drawing ko lang ito sa mga newsprint, pero dahil magaling at creative sya, nagagawa naman nya.
Binibigyan kami ng GMA ng 168 minutes a day for our commercials, at syempre hindi namin nako-consume lahat ito. Nung nakita nilang may capacity na kami ni Wendell to produce commercials, sinimulan na ng Japan office ang pagbebenta ng commercials spots sa GMA Pinoy TV, at naka-pakete na rin and production services.
After several months, pinadala ng Japan dito sa Pilipinas ang video camera na ginamit ko noon. Come August, shinoot namin ni Wendell ang aming kauna-unahang TVC! Ang kliyente pa ay Akabane Bussan, isang kumpanyang nagde-deliver ng Filipino products sa Japan! Tandang-tanda ko pang 25k pesos lang ang budget ko para i-produce ito. Natural, hindi kagandahan, pero as months passed, the production quality of our final outputs improved as own skills got better with practice.
Dumami ng dumami ang kliyente namin. May mga panahon na halos 2 o 3 commercials ang shinu-shoot namin ni Wendell sa isang buwan. Lumago rin ang aking network of suppliers, talent agents, stylists, and makeup artists.
2007
Ang highlight ng taong ito ay ang resignation ni Wendeel at ang pagpasok ko sa Mowelfund.
PIMS sponsored my enrollment in Directing class. I met the people who are to be among my closest friends and project partners.
Dahil nga umalis na si Wendell, ang mga kaklase ko na sa Mowel ang tumutulong sa mga shoot ko.
If only for the people I met through Mowelfund, sulit na sulit na ang mga taong ginugol ko sa PIMS.
2008
Matagal ko nang na-realize na ang tunay na calling ko sa buhay ay nasa production work.
Pero in late 2007, mas umigting sa akin ang desire to document good news and spread them to as many people as I could possible reach.
Sumulat ako kina Red Batario at Girlie Alvarez ng CCJD tungkol sa mga balakin ko sa buhay. Kinekwento ko rin sa lahat ng kaibigan ko na ito ang gusto kong gawin.
Totoo nga siguro ang Law of Attraction. Kasi nung napag-desisyunan kong ito ang gusto kong gawin, binigyan ako ng project ng CCJD to produce their AVP, at nakuha pa akong mag-PM para sa isang project to produce short video documentaries on best practices on disaster management sa iba’t ibang lugar sa Bicol.
Nag-resign ako sa PIMS nung February.
Pero hindi ko matiis ang aking team. Kaya pagbalik ko sa Manila from a long trip in Bicol, tinanggap ko ang offer ng kumpanya at nagbalik-loob sa PIMS.
4 na buwan pagkatapos nun, nangangati na naman akong umalis. Palagay ko naman tama ang ginawa kong pagbalik, pero bandang May or June, bumalik na naman sa akin ang uneasiness na parang wala na ako sa tamang lugar. I should be somewhere else, doing something else.
Naisip ko na gusto ko magtayo ng sarili kong production group. Yung nagfo-focus sa good news. Yung nagfo-focus sa POSITIVE CHANGE. Yung naka-tutok sa advocacy work and helping make other people’s lives better.
Sariling business. Sariling team.
Naisip ko na para ma-pull off ko ito, kailangan kong ma-tap ang malalaking institusyon. Government, NGOs, funders, donors, etc. Malalaking institusyon tulad ng UN.
Nung nakaraang buwan, pagkatapos ng presentation ko ng revised AVP kila Sir Red ng CCJD, binanggit nyang may kaibigan syang naghahanap ng creative head for a project. “Pwede ko bang ibigay ang number mo?” Oo naman po!, ang mabilis kong sagot. Hindi ko alam kung sino ang contact nya. Basta ang alam ko tinutupad ko lang ang aking goal na kailanman hindi tumanggi sa raket.
Kinabukasan, nakatanggap ako ng text. “Hi, Cheryl. This is Ruth Gerrochi from UNFPA. Red gave me your number…”
Seryosong tumaas ang balahibo ko pagkatapos kong mabasa ang text nya.
Sabi nga sa The Secret, you just have to decide on what you want. Hindi mo na dapat problemahin ang How.
Sinabi ko a few months back na gusto ko magkaron ng project sa UN. Pero hindi ko alam kung paano.
At eto ngayon ang isang project sa UN na basta na lang dumating sa akin!
Sabi ni Ruth, naghahanap daw sya ng isang taong maghe-head ng Photojournal project for UN Population Fund. Ito ay isang coffee table book documenting the best practices on reproductive health and population development in different parts of the Philippines.
A lot of travel. Creative work. Photography. Writing. UN. BEST PRACTICES. Documentation of good news.
Ang status ko palagi sa YM, “Whatever I need comes to me. Expect, not doubt!”
Ngayon ko tuloy napagko-konekta lahat ng mga pangyayari noong mga nakaraang taon. Lahat ng nakilala ko at lahat ng nangyari sa akin ay mahalagang bahagi ng proseso para makarating ako sa kinalalagyan ko ngayon. Kaya pala ako nag-aral sa UP. Kaya pala ako umalis ng Econ at nag-shift sa Broadcast Comm. Kaya pala ako sumali sa Broad Ass. Kaya pala naging kaibigan ko ang orgmate na si Ronnie at napa-sama sa team ng DV Sharks. Kaya pala naging kliyente ng DV Sharks ang PIMS. Kaya pala pinag-aral ako ng PIMS sa Mowelfund...
Hindi ko matatanggap ang UN photojournal project kung hindi ako nag-Mowel. Kasi kung hindi ako nag-Mowel, hindi ko makikilala ang photographer friend na si Patrick. At kung hindi ako nag-Mowel, hindi ko makikilala ang ubod ng talented ng mga taong kasama ko sa trabaho at pinakamalalapit na kaibigan ko ngayon. Kung hindi ko sila nakilala, ni hindi ko papangaraping mag-resign dahil hindi ko kaya i-offer mag-isa lahat ng services ng isang buong production house. Kung hindi ako nag-PIMS, hindi ko makikilala ang network of suppliers na napakahalaga para sa isang PM. Kung hindi ako nag-PIMS, wala akong magiging silbi sa mga kaklase ko sa Mowel dahil ang mga commercials na ginawa namin sa PIMS ang nakatulong sa pag-buo nila ng kanilang reel bilang Direktor, PD, DOP...
Siddhartha's right. We all do belong to the unity of things.
Again: Whatever I need comes to me.
Be still in the presence of the Lord
The Lord promised, “These things I plan won’t happen right away. Slowly, steadily, surely, the time approaches when the vision will be fulfilled. If it seems slow, do not despair for all these things shall come to pass. Just be patient. They will not be overdue a single day!”
Pagka-pirma ng kontrata sa UN, kinausap ko na agad ang HR Manager ng PIMS at nag-resign.
Di ba sinabi rin ni Paolo Coelho sa librong The Alchemist? All the universe conspires to give you what your heart desires.
It has been said by so many people, in so many ways, through so many means. But we tend to focus on everything that is going wrong, instead of how things are actually working to give us what we want. It is just a matter of understanding that every experience (yes, even the seemingly bad ones!) has a blessing to offer.
Ang unang tanong lagi ng mga tao sa akin, “Ano na ang mangyayari sa’yo pagkatapos ng UN?”
Sa tingin mo ba, pagkatapos ng lahat ng ito, matatakot pa ako?
“Take the first step in faith. You don’t have to see the whole staircase. Just take the first step.” – Martin Luther King
Recent Comments